Ang unggoy nuon, ngayon at bukas.

Naulinigan ko ang pag-uusap ng dalawang Unggoy ukol sa mga esposo nila, ang Ipis at ang Kabayo. Ako ay nagmuni-muni sa bawat salitang aking narinig. Hindi ko man mawari ang kanilang ututang-dila, ako na rin ay nakipag-palitan ng kuro-kuro sa kanila. Isang tanong ang nakintal sa aking mapaglarong isipan, sino nga ba si Unggoy?
Unggoy #1 : Yung asawa kong Ipis nakakainis! Bakit ba lagi na lang ganun? Napakarumi at bad breath pa. Kung saan-saan nag-iiwan ng kalat. Pagkatapos kumain, aalis na lang bigla. Di man lang marunong magkusa na maghugas. Tapos, bihira pa maligo! Takot sa tubig… hay!
Unggoy #2 : Ewww! Yuck ah, kadiri. Buti na lang hindi ganun yung asawa kong Kabayo. Gustong-gusto nya kasi na ina-alagaan ko sya, hinihimas, pinapakain… at pinapaliguan. Alam mo na.
Unggoy #1 : Naku ah, alam ko na nga. Malaki ba talaga? Enjoy ka naman… kaasar sana Kabayo na lang inasawa ko. Kwento mo ano ba ginagawa nyo? *hagikhik ng pagkakalupit-lupit, kinikilig sa susunod na bulalas ng kausap*
Unggoy #2 : Sinabi mo pa! Sobrang haba at… malibog nang sobra… *minuwestra pa kung gaano kahaba at kataba* (naku naman!)
Si Unggoy #1 animo’y nakakita ng mahiwagang saging ang mga nagni-ningning na mga mata at ang mga labi’y bukang-buka, handa nang sugurin ng isang batalyong langaw!
(Oooops, may pagka-censored na ang naturang usapan ng dalawang Unggoy. Ayaw ko man kayong bitinin sa tinakbo nang usapan… narito ang parte ko sa usapan nila.)
Ako to! : Ate, grabe naman yun. Pero sabi nga nila totoo. *sabay tawa ng ha-ha-ha* Teka Ate, eh kung sila ay Ipis at Kabayo… ano tawag sa atin?
Isang Pagmumuni-muni
Naaalala pa ba ninyo yung tweet ni UglyYuBin? Maaaring identity theft, isang troll, attention seeker o anu pa mang maaaring itawag sa kanya at sa account nya… maliwanag pa sa sikat ng araw na isa itong pag-diskrimina sa lahing Filipino.
Isa sa mga Tweet ni UglyYubin:
@WGyenny 야! 예은! 지금 한국에서! 지금 뭐해? I love watching those filipinos suffer and drowning in their 3rd world monkey island! Monkeys can’t swim! ㅋㅋ6:26 PM Sep 27th from web in reply to WGyenny
Ang buong pag-uusap ay matatagpuan sa Speaking One’s Mind.
Ganunpaman, ang pag-associate ng kapwa-tao sa mga hayop ay may akmang kadahilanan, nariyan na maaari ang diskriminasyon at ang kaugalian o katangian ng hayop na ‘di maiiwasang maihalintulad sa tao. Eh si Mariah Carey nung sinabing, “I saw a brown monkey sing.” (referring to Regine Velasquez, pero hindi ‘to proven) at si Ka Freddie nang magbitiw nang pahayag patungkol kay Charice Pempengco at iba pang Pinoy artists, na kaya tayo binansagang unggoy kasi gaya-gaya puto maya. Sa tingin ninyo, ano ang pagkakahalintulad natin sa Unggoy?
Dito sa disyerto ng Kuwait halos ganuon din naman. Alam ba ninyo kung anong lahi ang Kabayo? Eh, ang Ipis? Kanya-kanyang pananaw, opinyon sa kapwa. Pero mali pa rin eh. Minsan katuwaan, pero mali pa rin eh.
Speaking of katuwaan, (hahaha! ^^) wala lang, may naala-ala lang ako. ‘Etong lyrics ng larong Pinoy nung kamusmusan ko pa.
- “monkey, monkey, anabelle. how many monkey did you see? one. two. three. a-riki-riki-tik and a blue black ship. pick pack boom. yes or no. y. e. s. alis.”
Si Annabelle ba yung monkey? haha^^ ewan. May isa atang patalastas si Annabelle Rama at yung kambal n’ya ukol dito. May pelikula pa atang gagawin si Aling Dionisia at si Annabelle Rama, silang dalawa ang lead roles… Monkey, Monkey Annabelle ang title.


Eh, unggoy-ungguyan na laro sa baraha alam mo? Bakit nga ba unggoy-ungguyan tawag dun? Dahil na rin ba sa lumang kasabihan na:
“Tuso man ang matsing, napaglalanganan din.” (Matalino man ang matsing, naiisahan pa rin)

Bakit nga ba? Pero, in fairness sa mga unggoy… matalino ang matsing. Dito sa Arab Peninsula may narinig rin akong isang misteryosong Unggoy, kung tagurian siya ay The Filipino Monkey.
Wow, is this some kind of a joke?! Hay, naku! Kelan ba matitigil ang ganitong taguri sa Noypi?! Kesa, maasar… nagtanong na lang ako kay Ginuong Wiki. Marami naman s’yang ipinaliwanag sa akin. Naturalmente, marami rin akong nabasa na justification sa ibang pook-sapot na binisita ko.
Paliwanag ni Ginuong Wiki, “Filipino Monkey” is a pseudonym used by radio pranksters in maritime radio transmissions since at least the 1980s, especially in the Persian Gulf. These pranksters make odd, confusing, or even threatening calls on VHF marine channel 16, which is the VHF calling and distress channel.[1] Prior to the advent of GMDSS all ships at sea were required to monitor the channel, which is meant to be used only to make contact before changing to a working channel.[2]
Sabay banat na, “Some report that the phrase originated as an insult to Philippine seaman watchkeepers monitoring the VHF distress channel.[1]”
Para bagang masyado na nila minamaliit ang mga Seaman, pero ‘di rin naman daw.
Mababasa nyo ang iba pang usapin patungkol sa misteryosong Unggoy dito sa Democracy Arsenal at sa The Iranian Incident and the “Filipino Monkey“. Nariyan din ang mga magigiting na Lahing Kayumanggi na nagtatanggol sa atin.
Ang Pilipinas ay tinuturing din daw na Banana Republic, eto ay dahil exporter tayo nang saging. Pero maliban dito, sa Pilipinas mayruon talagang Filipino Monkey, oo tama. Meron nga. Ayon sa Field Musem Organization, ang lupang hinirang ay may Mammalian Fauna.
PRIMATES endemic to the Philippines.
1. Loridae (Lorises and coucangs)
2. Tarsiidae (Tarsiers)
3. Cercopithecidae (Monkeys)
————————————–
1. Cercopithecidae (Monkeys) - A single species of monkey occurs in the Philippines, but is quite widespread
- Species found in the Philippines: • Macaca fascicularis
2. Tarsiidae (Tarsiers) – A single species of this family occurs in the Philippines.
- Species found in the Philippines: • Tarsius syrichta
3. Loridae (Lorises and Coucangs) - A single species of this family barely enters the Philippines.
- Species found in the Philippines: • Nycticebus coucang
Ang galing! haha =) Meron talaga. Proudly Pinoy pa yung mga primates, lalo na si Tarsier. Ahem, ang unggoy at ang Filipino. Sa totoo lang lahat tayo ay unggoy. Oh, no violent reaction ah. Eh, sabi yan ni Charles Darwin. Naaalala ko pa nung nag-aaral ako yung proposed (kasi di naman lahat sang-ayon dito eh) nya na Theory of Evolution. Si Lucy yung nearest ancestor natin nuon pero hindi na ngayon. Matanong ko lang, nakadaupang-palad na ba ninyo si Ardi?
Ipinapakilala ko si Ardi, pinsan natin…
“More than a hundred crushed fossil fragments unearthed in Ethiopia have been painstakingly pieced together to reconstruct “Ardi,” the earliest skeleton of a prehuman ever found, providing an extraordinary new glimpse into the largely mysterious period when the ancestors of humans and chimpanzees split.” (source: The Boston Globe)
Kung susuriin natin, uunawain at maniniwala tayo kay Uncle Charles… lahat tayo ay mataas na uri ng primate, o galing sa unggoy. Sino naniniwala? Taas paa! (Yay! corny, joke ba ng matsing yun… nyahaha.)
Okay, ayaw ninyo maniwala sa akin ah… Eto, panuorin nyo yung video lecture ni Dr. Richard Osborne regarding sa Human Evolution 101.
Masyado ko na kayong inu-unggoy sa mga pinagsasabi ko. Basta, alam ko nauunawaan ninyo at batid ninyo ang nais kong ipahiwatig sa blog post kong ito.
Pahabol lang:
1. Kung si Regine ay brown monkey, ibig bang sabihin nito na si Mariah ay white monkey?
2. Kung ang Filipino ay unggoy ayon kay UglyYuBin (na isang Koreana daw), sila ba ay mas mababang uri dahil sa mga unggoy sila nagpapaturo ng wikang Ingles?
3. Kung si Charice ay gaya-gaya tulad sa isang matsing paano naman si Ka Freddie na isang Filipino, unggoy na rin ba siya?
4. Kung matutuloy ang pelikula nina Aling Diony at Annabelle na “Monkey, Monkey, Annabelle” at si Gng. Rama ay papapel bilang si Annabelle, ang monkey ba ay si Aling Dionisia?
5. Kung sakaling mapatunayan na ang misteryosong unggoy ay hindi Filipino, maaari ba nating sabihing American Monkey o kaya Iranian Monkey?
Salamat at marunong mag-computer ang mga unggoy. Joke! haha^^ Peace to all.
- Waaaaaaaaaaa!!! Isa pa pala, kung ang scientific name nang modern man ay Homo sapiens sapiens, eh ano ka kapag Homo lang? *sabay turo sa picture sa baba* (no offense! belat. :p)
-TAPOS-









Hello, I’m a Korean.
I must say to filipino.
I think that twitter author is NOT Korean, Anti-Korean Japanese.
‘Kim Yubin’ is famous Korean singer.
if he/she is really Korean, why he hate Korean, and named as “ugly”?
he/she is NOT a Korean, he/she is a Japanese who pretend to Korean.
Remeber, Internet is anonymous world, anybody pretend to any nationality.
Obviously, twitter author is NOT Korean, author is a Japanese who pretend to ugly Korean, and who want spread anti korea sentiment to world.
We love filipino. So, don’t fall dirty Japanese trap.
All people. Most of the nastiest posters here are Japanese pretending to be various different nationalities. Remember that. Japanese are the worse scums of the earth. We hate their guts too.
Think about it.
According to common sense,
if you are filipino, you want filipino singer name as “ugly”?
if you are filipino, you want post “ugly” image of filipino singer?
if you are filipino, you want post “i am a filipino, I want xxxx country person are die” write racist and dirty comment to other foreigner?
All of This made by Anti-Korea Japanese troll.
And, Korean don’t have ANY single antagonism to filipino.
Why Korean write such comments? Any reason? Absolutely Nothing.
Only Japanese racist troll who pretend to Korean, want made this trouble.
I’m a Korean, if he/she is a real Korean, We 100% apology to filipino.
But, I really really think that author is NOT Korean. Most Korean don’t act like that.
This is made by Anti-Korea Japanese racist troll who pretend to Korean.
We love filipino.
Remeber, Internet is anonymous world, anybody pretend to any nationality.
Waahh naalala ko na naman si “uglyYubin”. Nalito tuloy ako kung sa comment ba ni “kim” ako magcocoment or sa post mo na puno ng kaungguyan!
Marami na kong nasabi about kay uglyYubin sa isang blog na sya ang bida. To you uglyYubin whoever u are “you are such a big B.S.. . .and B.S to those who insulted the filipinos despite of the tragedy that happend” wahhh
Natawa ko sa mga character na ginamit mo na puro kaungguyan. May kakilala ako ang name nya “loridae” (walang biro) hahaha.
Hi Kim! Thanks for taking time to visit my page.
Since my blog is written in Filipino language, i would like to tell you that there is nothing posted here that is against Korean. That someone might be Japanese or any other nationality, but i’d rather not insist on it – same as UglyYuBin is not Korean, that troll might also be Japanese or not. Just to be fair enough.
Don’t worry, i don’t hate Koreans nor do i urge hate campaign. Peace.
Noel! apir o/ haha^^
Haba ng kumento ni Kim. Pwede ka pa naman mag-comment regarding sa mga ka-ungguyan.
Asar, 1.5 hours lang tulog ko. Nung simulan ko yan kagabi pag-uwi… mukha tulog akong unggoy dahil sa eyebag. nyahaha^^ =)
Teka, Loridae?! Naku, saan kaya siya pinaglihi? hehe…
Kung may process ng evolution, bakit wala NA makitang Homo sapiens or homo erectus etc., PERO BAKIT may ungoy pa rin! Kung nag evolved naman na… eh bakit nga may ungoy pa rin? (hehe… makulit na) Paulit-ulit lang ba? Since nakita ko si Dr. Richard Osborne, naliwanagan na ko… sige may HUMAN EVOLUTION na nga! ahaha…
PS: @UglyYubin : TSE!
PS uli: nice yung last pic… HOMO hehe!
Good read!
Nice entry!
Keep ‘em coming!
haha^^ toinkz! ahhh, teka… bakit nga ba? Natural selection?! basta, naniniwala ako kay Dr. Osborne…
(yay! may nabasa pa akong article about human evolution, ibang perspective rin – posthuman, genetics, humanoids, robotics. yung isang site naman sabi, human evolution reached its peak… meaning, tayo na ang last phase. hmmmnnn…)
thanks sir Timberboy.
(haha =) i ask mr. google to search for you. ikaw pala ang magiting na Hall of Famer, “My Life on a Stick” PANALO!)
Isang napakagandang palatandaan nang pagbabago nang banahon. kaunti nalang makakakita narin ako ng ungoy na nag-blog. enjoy ako sa mga comments.
hmmmmmm…. ako di ako naniniwala na sa unggoy tayo nanggaling.
kasi- sa hamster!! HAHAHA kidding aside.
basta naniniwala ako na tayo ay nagmula kay God. Tao kaagad, Mula kay Eba at Adan, at sa mga sumunod na henerasyon. Walang ka-unggoyan hehehe
teka, naaaliw talaga ko sa mga pics.
kamusta tagabundok? sana ayos lang ang pamilya mo.
ang haba ng post, pero picture pa lang informative na… apir sa mga taga bundok…
super nice and informative post but a lil bit long! cheers to us pinoys! i am proud to be one!
haha^^ thanks for dropping by. nga pala, nag-download ako dun sa site mo.
HAMSTER RULES!!!!
God created us… AYOS!
ayun, yung lola at tita ko nakiki-pila sa relief goods…
pagkatapos manalantala ni Ondoy, si Pepeng naman sa Pangasinan (nandun relatives ko sa father side) at sa Baguio… kung saan si taga-bundok lumaki at nagka-isip. Alam ko di sila pababayaan ni God.
haha^^ ewan ko bat humaba nang ganyan yan… nung time na di ako makatulog dun ako nagsulat eh… haha^^
salamat sa dalaw! apir o/
cheers! taas nuo Pilipino! hehe, salamat sa dalaw. thanks sa comment, nakakataba ng puso. sa susunod paikliin ko… haha^^ ginanahan lang kasi yung isipan ko…
I dont know why, but i like this post…hahaha
hmmm… i wonder why?…. hmmmm
=P
nice post. =)
got some bananas for me?=P
ang alam kong makabagong unggoy ay matatagpuan lamang sa palasyo ng malakanyang..
special pa yun, dahil me pekeng nunal..pandak pa.. he he he
haha^^ eh naman… ikaw si timangkey eh… hmmmn, bananas? marami nyan dalhan kita sa blog mo.
salamat s dalaw. ^^
ahhh… hhmmnn… no comment. sino ba yun? hehe…
salamat sa dalaw alkapon.
the other day, may nagtanong sa akin tungkol dito sa “korean” na ito. uglyyubin pala un. salamat sa info at masasagot ko na rin tanong niya…
no problem father. korean daw sya… daw. pero, kahit na anong lahi pa man. mali pa rin yun sinabi nya. unless, patotohanan ng iba.
nag-search kasi ako sa net nito. wala akong nahanap. ang sabi kasi sa akin ay blogger daw. so ang dami kong pinuntahang blogs nahilo-hilo na nga ako eh. ngek, di pala blogger, sa twitter pala…
nung una rin Father di ko mahagilap sa net eh… tapos search ko filipino monkey… yay! duon dami ko nabasa…
haba ng post na to…pero mas interested ako dun sa sa scientific studies ng mga unggoy… anyway, wildlife management is one of my favorite subject way back in college.
haha, nanghalungkat talaga ng post….well, sabi ko nga isa akong dakilang mambabasa, basta ba hindi busy naghahalungkat ako ng mga older post ng kahit sino..
hehe… mahaba nga.
ewan ko ba… ginanahan ako magsulat nung panahon na iyan.
basta may kinalaman sa unggoy, sa tao at sa Pilipino.
pinag-ugnay-ugnay, hinabi at hinanapan ng kabuluhan.
Feel free.
Thanks Outlitoepblob.
[...] mga tulad ko na nagpapa-alipin sa ibang bansa, pamilya ang siyang tunay na dahilan kung kaya’t patuloy tayong kumakayod upang itaguyod ang [...]
Two cents worth!
Family Matters »
Haliging walang Tahanan
Iniwan mo siyang luhaan. Dalawang buwan pa lamang nuon ang ika-tatlo ninyong supling. Lugmok sa kalungkutan, hindi alam kung saan huhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang natitirang pagmamahal sa sarili at tatlong anak. Tanging si …
Food & Culinary »
Ang Poki-poki ni Inday.
Madalas ko nuong marinig ang kasabihang, “Ang pinakamabisang paraan upang mapalapit ang isang babae sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanya ng masasarap na pagkain.” Sa munting sandali na ito, …
Life & Death »
it’s over now. i am letting go.
Twenty-five fils’ (1.75 php) burning in my finger tips. I am in euphoria. My mind is wandering in clouds of smoke. I had to make a tough decision… I can’t take it anymore. It is …
Music & Lyrics »
Simply Goodbye (Lyrics without a Tune)
I can sing a tune when I am in the bathroom. I have the guts to belt out my lungs when I am drunk. I have the courage to reach high notes only when I …
Overseas & Homeland »
The Azkal Experience
Pakaway-kaway sa mga OFW kahit olats! Dalawang beses sila dito binato ng bote ng mineral.
I’m not an Azkal fan but I do support their team. Everytime na nanunuod ako ng news, I don’t …
Social Issues »
Isang Sentimong Pawis
Photo by: KamoteBoy (ReynosoJulius)
Sa maliit na butas ng kisame muling sumilip ang liwanag. Ang pagningning ng sikat ng araw sa iyong mga mata, hudyat na kailangan mo ng lisanin ang kwadradong lungga. Nagmamadali kang humayo …
Recent Comments
Animus Blog Awards: Tapos na ang kalokohan. Salamat sa lahat ng nakigulo. Congrats mga Dudongs en Dudays! :] | Patpating Talinghaga
wow! guti ka pa kuya, naranasan mong masali sa isang pakontes sa tv :) kakatuwa!
Maganda idol!
salamat master sa pagdaan sa aking entry :D nakakatuwa naman ang inyong entry, more power :D
Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng kumento Christeen. :)
Online Recognitions
Follow, like and join Animus
Sinkong Duling
The Animus Badge
Copy and Paste
Bloggers.com
Random Posts
Latest Video Post