hagupit

Saan ka kakapit sa panahong ikaw ay salat at gipit?
isang linggo na rin ang lumipas at marami pa rin ang bakas na iniwan ng bagyong ondoy. isang hagupit na kanyang binigay sa lupang tinubuan. nakakapanlumo, nakakatakot, at nakaka-awa ang mga kapwa Filipino na napapanuod ko sa internet. nag-aalala pa rin ako sa mga mahal ko sa buhay… hanggang ngayon ang pagsalanta ng bagyo ay ramdam nila… at ang hagupit ng pag-aalala ng isang OFW na tulad ko ang siyang bumabagabag sa bawat minutong nagdaraan.
Biernes, ika-25 ng Setyembre 2009
Alas-nueve pasado ng gabi nang may matanggap ako na text message mula sa aking ina, 2:38 na nang madaling araw sa ‘Pinas ng mga oras na iyon.
TEXT NI INAY: “Hello! Off ko tom, try ko mag intrnet ha, txt kta bago me mag online punta pa kc me ng navo, kung d misama ni kuya u cla audrey 2day, sma ng panahon pnay ulan.”
Si Nanay namamasukan bilang isang Yaya sa Taguig. Day-off nya tuwing ikalawa at ika-apat na sabado ng buwan. Si Kuya naman ay nakatira sa Novaliches (kelan lang… bago bumagyo) at ang mga anak niya na sina Audrey at Zandra ay nakatira sa Navotas.
Isang ordinaryong araw, hindi rin ako nag-reply sa text ng aking Ina. Isang bagay na bihira ko rin kasing gawin.
Sabado, ika-26 ng Setyembre 2009
Isang text ang gumising sa akin, alas-nueve ng umaga sa Kuwait. Sinilip ko ang text message, binasa ang mga unang salita at muling natulog. Alas-dos na nang hapon nang ako ay magising upang maghanda sa pagpasok sa trabaho. Habang nakasakay sa service van na maghahatid sa kanya kanya naming destinasyon, nasambit ng flat mate ko na nag-text sa kanya ang misis nya. Ang sabi, pinasok na raw ng baha ang SM Centerpoint. Tanging reaksyon ko lang ay pagkamangha.
Pagdating sa coffee shop kung saan ako nagtatrabaho, agaran kong binuksan ang laptop. Dito ko na nalaman ang lupit na dinulot ng bagyong Ondoy. Napanuod ko sa www.GMAnews.tv ang mga pangyayari. Nakaka-awa… nakakalungkot. Biglang pumasok sa aking isipan ang text ng aking Ina nung umaga, muli ko itong binasa.
TEXT NI INAY: “D tau pwde mag chat, grabe calamity dto, d ko pa nki2ta cla nnay, fau at hlen. Bhay tlga ang ibang tao nsa bubong na, d ko cla mkita sa simbahan. PRAYERS nlang.”
Nagitla ako sa mensaheng aking nabasa. Naasar sa sarili dahil habang mahimbing ang tulog ko, sila Inay, ang mga kapatid nya at si Lola ay nakikipagsapalaran sa hagupit ng bagyo. Ang tanging binasa ko nung una sa text message ay “D tau pwde mag chat”. Nung tinignan kong muli ang oras na nagpadala ng text message si Inay, 2:22 nang hapon. Samantalang ng mga oras na muli kong binasa ang text alas-otso na nang gabi, ala-una na nang madaling araw sa Pilipinas… labin-isang oras nang nakalipas mula ng mag-text si Inay. Sa pagkakataong iyon ay tumawag na ako kanya.

Matagal bago sagutin ni Inay ang tawag ko, ilang ring ang lumipas, ilang minuto pa. Nag-aalala na ako ng sobra, nangingig sa kaba. Nang aking marinig ang boses nya, nangangatal ang salita nya, umiiyak. Nakitulog na sya sa isang kakilala. Ang sabi ni Inay, “Jong, ‘di ko pa nakikita sila Helen. Tumatawag ako sa kanila pero nag-ring lang yung cellphone. Pagtawag ko ulit wala na, wala nang ring. Kanina pauwi ako sa bahay, di na ako nakatuloy. Kailangang lumangoy. Sa bakery pa lang lubog na, wala nang makita.”
Nais kong damayan si Inay, pero anong magagawa ko. Isang hagupit na sumugat sa puso ko. Marami akong naiisip na sana h’wag naman mangyari sa kanila. Nasaan ba sila Lola? Para na akong sira-ulo… paano pa kaya ang nararamdaman ng aking Ina.
Nag-text ako sa aking kapatid na nasa Dubai, ayaw ko mang mag-alala s’ya kailangan n’yang maipadama sa aming Ina na nandito lang kami… hindi ko alam kung anong tulong magagawa namin pero ang tanging nasa isip ko maramdaman ni Inay na mahal namin s’ya.
Linggo, ika-27 ng Setyembre 2009
Wala pa rin akong balita mula sa kapatid ko sa Dubai. Maging sa aking mga mahal sa buhay sa Novaliches. Nasaan na ba sila, napano sila, buhay ba sila? Ayaw ko nang mag-isip pero patuloy na ginugulo ng mga imahe at bidyong aking napapanuod ang aking isipan at damdamin.
Alas-nueve ng umaga, oras sa Pilipinas ng makatanggap akong muli ng text message mula sa aking Ina. Isang mensahe na nakapag-pagaan kahit papaano sa aking pag-aalala.
TEXT NI INAY: “Dto na ako s bhay, kalahati ng taas ang nbsa, basa ang ibang gamit pero ok lang cla nnay, gnwang brdge ng tao ang bhay ntin para d cla malunod sa bubong idnaan mga tao.”

Sa tabing ilog nakatirik ang bahay namin. Dalawang bahay ang pagitan sa bahay at sa Tullahan River. Mga bahay na isang palapag lang at ang amin ay dalawang palapag. Mataas na ang kinalalagyan kung tutuusin dahil mula sa ilog pataas ang lupa. Kung kaya’t di ko lubos maisip ang mga pangyayaring naganap.
TEXT KO KAY INAY: “Ma, thank God. kumain na ba kayo dian? musta yung mga photo album ko? sana di nababad sa baha. saan sila natulog? ano na balita? wala na bang baha dian?”
Nakahinga na rin ako kahit kaunti. Sa lahat naman ng ite-text, photo album pa ang kinumusta ko. Sa aking isipan, naruon kasi lahat ng ala-ala… masakit, masaya, malungkot, mga lumang larawan ng aking Ina at ang nang buong extended family ko. Lahat kasi yun inipon, pinagsama-sama ko. Kahit na sa photo album man lang buo kami.
TEXT NI INAY: “C aunty u at uncle iniwan ang bhay,konting photos lang ang nabasa, mga photo album u d nbasa. thank GOD, mtibay ang bhay, may tnangay buong buo sa tabi ntin. yes ka2in n kmi.”
Lunes, ika-28 ng Setyembre 2009
Ang tiyuhin ko panigurado nag-aalala ng husto sa mga anak nya na nasa Marikina, walking distance lang mula sa ilog ang bahay nila duon. Si kuya, mabuti na lang nung magpunta sya ng Navotas hindi na umuwi ng Novaliches para dalhin ang dalawa nyang anak, kahit papaano walang gaanong pinsala sa kanila duon. Hindi ko lang alam kung kumusta yung mga kapatid ko sa Tipas, Taguig at mga pinsan ko sa Paranaque at sa San Andres Bukid, Maynila.
TEXT NI INAY: “2lugan time, wla na dw ulan sabi ni kuya u, dming damit nya ang nbasa, ok lang ang bhay 3 sides ang inalisn ng ding2 pra daanan ng mga tao dmaan sa 2nd flr *some text missing*”
Hindi ko na alam ang kasunod na text message. Sa mga iba pang mensahe ni Inay, nagpapasalamat sya sa Panginoon. Bakit nga naman hindi, mabuti ang Diyos. Nagpapala. Maraming mensahe ang nakapaluob sa unos na humagupit sa bansang Pilipinas, maging sa akin na nasa ibayong dagat… hinagupit nya ng pag-aalala, pangungulila at pinaramdam sa akin na may Diyos na nangangalaga sa pamilya ko at sa akin.
———————————————————————————————————————————————————————————————————————–
Saan nga ba tayo kumakapit sa panahon na salat at gipit? Maliban sa mga materyal na bagay na s’yang ating nakakapitan… sino pa ba ang umaagapay sa atin? Ako na malayo sa pamilya, nag-aalala, halos di na malaman ang gagawin. Hindi naman siguro kahibangan ang manalig ng lubusan sa Kanya.
Lubog sa baha ang aming bahay, nawasak, sinira ng bagyo. Nagpapasalamat pa rin ako at ligtas ang pamilya ko. Nakikiramay sa lahat ng nasalanta at nawalan ng mahal sa buhay. Sana ay mabigyang tulong ang mga nangangailangan.




BASE
salamat sa pag add, pasensya ka na medyo busy lang ako… babalik ako dito, promise, babasahin ko, medyo busy lang talaga…
so wala ka pala sa pinas…
hehe^^ natutuwa talaga ako sa “base”. kanina lang may napuntahan akong blog site, may pakontes pa… naala-ala ko tuloy yung agawan base nung elementary ako. =)
yep, 5 years na akong wala sa ‘Pinas. next year uwi na ako… gusto ko makasama pamilya ko. tsaka, sundin ko yung sinabi mo. mag-aaral ulit ako. hehe^^
hmmmmm…God bless you anjo +
ako ung may pakontes…
mabuti naman at okey ang family mo…
(tingin sa taas)
oy si alvin the living saint…hello alvin!
group hug tayong tatlo!
one…two…three…
group hug!!!
anjo, kilala mo rin pala si bons of bonistation?
ini-add kita sa aking links…
ava ava! dumadame ng tao d2! hello! hehe..sosyal xa! hehe..nakow may kwn2ng bagyo din ako kso baka maging “paawaan” ang drama…hehe..
ingats plge ha!
abat nag grup hug kau nila father sa taas? nakow cheesy yn! hekhek!
Kakalungkot isipin na isa pala ang pamilya mo sa nasalanta, pero tama ka hindi kahibangan ang manalig ng lubusan sa Kanya. Sa kabila ng ganitong kalamidad marami pa rin ang dapat ipagpasalamat… Ingats Anjong!
PS. Ang cool mag txt ni mader, parang teenager lang hehe! At natuwa naman ako sa “photo album” na txt mo, ako din sigurado yun ang una kong itatabi, abah.. ang hirap kaya gayahin ng pose ko nun! Nyehehe… Newei, glad to hear that your family’s safe.
ava..ingats kuya ha…i feel for you…
God bless po…^_^
Salamat naman okey at ligtas ang pamilya mo. Kagaya ni teentoinks napansin ko din ang txt ng nanay mo hehehe mukang magaling magtxt si nanay ah. Dinaig ako.
Napuntahan ko na yang lugar na gulod, nova. My kakilala lang…
Godbless pilipinas! Kaya yan ng pinoy!
Hay, don’t you know na you also captured the same sentiments of some Filipinos here na nag-alala rin sa kanilang mga kaibigan at kapamilya? Yes, you did. I have friends na ‘di ko ma-contact sa kasagsagan ng lahat at gan’un din sila. Lahat ay naging concerned sa bawat isa. At ang emphasis dito ay ang pagkabigla ng lahat sa pangyayari. Matagal na kasing ‘di nangyayari ang ganitong trahedya sa kaMaynilaan nang matagal na panahon. If may makukuha tayo sa nangyari siguro ay ang awareness of letting our family and friends know na we care about them kahit sa mga ordinaryong araw.
..whoa…same scenario as mine…sna ok kn rin, kuya..
ingats! ^_^
hehe^^ ayos po yun Father! sayang di ako maka-1st base kasi medyo bihira ako mag-net. =) GROUP HUG!!!!
salamat po sa pag-add nawa’y dumami ang kakilala ko dito. =) si kuya bons dito ko na rin lang nakilala… hehe^^ mejo bago pa lang kasi ako sa wordpress.
wala nang mas Sowsy kesa kay SOWS! =)
Thank God talaga! hehe^^ minsan nga di ko maintindihan text ng nanay ko eh, puro shortcut. =) wahehe^^ nakupo! ang “photo album” nalunod na dati yun eh sa dati naming tinutuluyan…. wala rin ako nung bumagyo. haha^^ tama ka, sayang nga yung pose. nyahaha^^
aha! sino naman kakilala mo dun? buti di ka na-gripuhan… hehe^^ buti ka pa may kakilala sa Gulod, ako wala… hehe^^ =)
thanks sa dalaw! yun nga eh, i hope na maparamdam ko kung gaano sila ka-importante sa akin… in any way… everyday. =) at gayundin lahat ng Filipino, sana aware na tayo.
yung text nang nanay ko minsan binabalewala ko lang… tapos nung mabasa ko, hayun! nag-alala na ako.
salamat ulit!
hehe^^ okay naman ako. salamat sa dalaw My Precious… =)
papasukin mo ako sa e-haws mo ah… haha^^
Hello! First time ko rito. Kilala ka na rin pala ni Father. Minsan pabugso-bugso din siya sa blog ko.. Mabait yan..
Kamusta and thanks for the visit sa blog kong puno ng chizmax…
Nakatakot yung picture, puro kable and tinutulayan ng mga tao.. grabe..
Sana naman umalis na si Pepeng… grabe daw ang ulan hanggang ngayon di pa tumitigil…
yeah its still raining here in mnl…. but no matter what happens…life goes on.
hi! tnx for joining BNP! ur blog has been posted! u can also vote for ur favorite blogs! d top 5 highest rated will be highlighted n d Hall of Fame
haha^^ chuva! cute ng name ah… may naala-ala tuloy ako. =) baguhan pa lang ako dito sa mundo ng blog. datirati nagbabasa lang… Okay nga eh, may pakontes pa si Father. ^^
hehe… chikka to the max. ingat pa palagi.
sana huminto na ang pag-ulan. anyway, galing ako sa site mo. add kita sa blog roll ah. thanks. =)
haha^^ dumaan ka rin pala sa isa ko pang blog site. thanks ulit.
life goes on and on… kahit anong bagyo, kailangan mag-survive. kaya tama ka! hehe^^
yay! thanks… haha^^ i will. =)
Hello, I’m a Korean.
I must say to filipino.
I think that twitter author is NOT Korean, Anti-Korean Japanese.
‘Kim Yubin’ is famous Korean singer.
if he/she is really Korean, why he hate Korean, and named as “ugly”?
he/she is NOT a Korean, he/she is a Japanese who pretend to Korean.
Remeber, Internet is anonymous world, anybody pretend to any nationality.
Obviously, twitter author is NOT Korean, author is a Japanese who pretend to ugly Korean, and who want spread anti korea sentiment to world.
We love filipino. So, don’t fall dirty Japanese trap.
All people. Most of the nastiest posters here are Japanese pretending to be various different nationalities. Remember that. Japanese are the worse scums of the earth. We hate their guts too.
Think about it.
According to common sense,
if you are filipino, you want filipino singer name as “ugly”?
if you are filipino, you want post “ugly” image of filipino singer?
if you are filipino, you want post “i am a filipino, I want xxxx country person are die” write racist and dirty comment to other foreigner?
All of This made by Anti-Korea Japanese troll.
And, Korean don’t have ANY single antagonism to filipino.
Why Korean write such comments? Any reason? Absolutely Nothing.
Only Japanese racist troll who pretend to Korean, want made this trouble.
I’m a Korean, if he/she is a real Korean, We 100% apology to filipino.
But, I really really think that author is NOT Korean. Most Korean don’t act like that.
This is made by Anti-Korea Japanese racist troll who pretend to Korean.
We love filipino.
Remeber, Internet is anonymous world, anybody pretend to any nationality.
Hi Kim! Thanks for taking time to visit my page.
I copied and pasted your comment in “ang unggoy: nuon, ngayon at bukas”(my recent post).
nag dadalaw dalay ako sa mga bahay nang mga kaibigan ko sa Cainta. Kinamusta ko ang kanilang tirahan. halos wala natirang gamit na pwdi pakikabangan. swerte nlng natin, pagdamay at pagmamahal lng and pangunahing maitulong ko sa kanila.
let us all be thankful… ganun pa man ang nangyari, sana maka-recover kaagad. at buti walang binawing buhay sa mga kaibigan mo. stay safe kuya Sen.
[...] na sa buhay ang hindi sila makasama sa bawat okasyon na dumarating, lalo pa nuong sinalanta ni Ondoy ang munti nating lungga sa tabi ng Tullahan River… ayoko ng marinig kang umiiyak. Uuwi na ako [...]
Two cents worth!
Family Matters »
Haliging walang Tahanan
Iniwan mo siyang luhaan. Dalawang buwan pa lamang nuon ang ika-tatlo ninyong supling. Lugmok sa kalungkutan, hindi alam kung saan huhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang natitirang pagmamahal sa sarili at tatlong anak. Tanging si …
Food & Culinary »
Ang Poki-poki ni Inday.
Madalas ko nuong marinig ang kasabihang, “Ang pinakamabisang paraan upang mapalapit ang isang babae sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanya ng masasarap na pagkain.” Sa munting sandali na ito, …
Life & Death »
it’s over now. i am letting go.
Twenty-five fils’ (1.75 php) burning in my finger tips. I am in euphoria. My mind is wandering in clouds of smoke. I had to make a tough decision… I can’t take it anymore. It is …
Music & Lyrics »
Simply Goodbye (Lyrics without a Tune)
I can sing a tune when I am in the bathroom. I have the guts to belt out my lungs when I am drunk. I have the courage to reach high notes only when I …
Overseas & Homeland »
The Azkal Experience
Pakaway-kaway sa mga OFW kahit olats! Dalawang beses sila dito binato ng bote ng mineral.
I’m not an Azkal fan but I do support their team. Everytime na nanunuod ako ng news, I don’t …
Social Issues »
Isang Sentimong Pawis
Photo by: KamoteBoy (ReynosoJulius)
Sa maliit na butas ng kisame muling sumilip ang liwanag. Ang pagningning ng sikat ng araw sa iyong mga mata, hudyat na kailangan mo ng lisanin ang kwadradong lungga. Nagmamadali kang humayo …
Recent Comments
Animus Blog Awards: Tapos na ang kalokohan. Salamat sa lahat ng nakigulo. Congrats mga Dudongs en Dudays! :] | Patpating Talinghaga
wow! guti ka pa kuya, naranasan mong masali sa isang pakontes sa tv :) kakatuwa!
Maganda idol!
salamat master sa pagdaan sa aking entry :D nakakatuwa naman ang inyong entry, more power :D
Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng kumento Christeen. :)
Online Recognitions
Follow, like and join Animus
Sinkong Duling
The Animus Badge
Copy and Paste
Bloggers.com
Random Posts
Latest Video Post