Tinimbang ako ngunit kulang. (Sulatin para sa Kamalayang Malaya: Pag-ibig)

Patawarin mo ako. Nalunod ako sa labis na pag-ibig. Hindi ko alam kung paano susuklian o kahit mapantayan man lang. Ayokong sabihin na mahal kita hindi dahil ayokong umasa ka. Kung hindi dahil ayokong masaktan ka pa ng dahil sa pagmamahal.
Huwag mong isiping malupit ang pag-ibig. Sadyang ang mapagpalayang pagmamahal na ating pinagsaluhan ay siya ring kumulong sa ating mga sarili. Pinagbikis man tayo ng pagmamahal… indibidwal pa rin tayong may sari-sariling buhay. Alam kong nais mong maramdaman na sa iyo lang umiinog ang aking mundo. Ngunit mas malawak pa ang mundo na nais kong lakbayin kasama ka.
Pinangarap kong ikaw ang makasama hanggang sa aking pagtanda. Ngunit sa bawat unos na ating kinaharap pilit mong sinasabing mali ang aking pananaw sa pag-ibig. Ngunit sino ang nakakaalam ng tunay at totoong pagmamahal? Marami ang ibig sabihin nito depende sa karanasan ng tao. Maaaring sa pananaw mo hindi ako naging totoo. Balang-araw mauunawaan mo rin.
Walang sino man ang puedeng humusga sa pagmamahal ng tao. Nasaktan ka man o hindi. Hindi puedeng tawaran na lamang ang ibinigay na pag-ibig. Maraming beses na akong nasaktan pero hindi ko tinimbang kung sino ang mas nagmahal o kung sino ang tunay na nagmahal. Ang tanging inisip ko… minahal ako. Sapat na yun. Naging totoo ka man o hindi, sabihan mo man ako ng manloloko. Malalaman mo rin kung anong klaseng pagmamahal meron ako na inialay sa iyo. Hindi ko puedeng husgahan ang pagmamahal mo sa akin. Maski ang pagkatao mo’y hindi ko maaaaring basta na lang dungisan na walang pakundangan. Dahil minahal kita. Ang pagmamahal hindi humuhusga pero marunong umunawa at magpalaya.
Isa lang ang hiling ko… palayain ang iyong sarili sa nakaraan. Tulad ng mga una ko ng nasabi sa iyo, ang naging bahagi ko sa iyong buhay ay upang maranasan at malaman mo ang kahalagahan ng isang relasyon. Dahil sa akin labis kang nasaktan. Patawarin mo ako sa aking desisyon.
Ang pag-ibig ang pinakadakilang emosyon, misteryoso man ngunit puno ng pag-asa para magpatuloy na maniwalang kahit may pighati, nariyan pa rin ang mga ngiti sa iyong labi.
Opisyal na lahok para sa pakulo ni Mang Kulas.
Kamalayang Malaya Espesyal Edisyon: Pag-ibig.

Base muna.
Sabi na. Maganda ang kalalabasan ng iyong entry. Damang dama ang emosyon.
naks! wala kang kupas kuya anjong.
pero tama ka ang pagmamahal ay mapagpalaya, kung magkaiba man ang konsepto ng bawat isa sa pag-ibig darating ang panahon, maiintindihan din ang rason bakit ginawa ang mga bagay na sa una ddi kayang unawain ng utak ng tao.
@ BEHE – hay, ayan na nga yung napag-usapan natin kanina. nailabas na rin ang sigaw ng damdamin.
@ POTPOT – shaks! kupas na at kulubot na nga eh. hehe.
ang pinakamahirap na kaganapan sa buhay ng tao ay ang pagbibigay ng laya sa taong hindi mo kayang palayain.
@ ROMEO – share ko lang ‘tong text na kaka-recieve ko lang sa isang taong nasaktan ko.
“Pinakamahirap daw na part ng pag mahal ka ang magpalaya… Hindi ako naniniwala dun. Para sa akin mas mahirap ang lumimot sa taong pinalaya mo na pero mahal mo pa.”
Anyway, Parekoi tagal mo nawala ah. Buti naman nakabalik ka na sa blogging. :]
hehe, ngayon ko lang napansin..ako pala ang top commenter mo kuya..hahaha
@ POTPOT – hehe. ayun oh may star ka! naman. :]
ngaon lang napabisita dito. nice post sir tagabundok..isang saganang clap clap sa inyo
almo nmang avid fan moko doo kya sayo ang boto ko! ehehhe
hmmm kuya danilo. ang galing sorry naman ngayon lang ako nakadaan ata sa bago mong layout. grabe waw.
ang pagmamahal… ang lalim nito kuya. pero ang ganda. appreciated.
Tatak Anjong.
Kung paano dumaloy ang iyong kaisipan ay nais kong ihambing sa umiibig kong puso.
Narito at binabasa ang sinasabi ng iyong pusong umiibig, nagtataka, nagtatanong at minsa’y dumating sa punto ng pagdadamot dahil ang pag-ibig na isinayaw ay naging iba ang ritmo.
You made me believe that love is freedom. I love you Anj
aba. ang galeng. nahiya ako bigla sa sinulat ko.
damang-dama ko ah. asteeeeg.
alam mo, mas gusto ko ung dati mong yellow paper theme. kakaiba.
ala lng spoler ako. hihi
Never akong nangarap na makasama sa pagtanda ang kahit na sino. Weird kase para sakin ang mangarap ng tumanda, kahit sino pa kasama. Ayoko maging ipin-less at hair-less.
[...] 19.Anjong, Kuwait 20.Gnehpalle, Lungsod Quezon [...]
perstaym ko dito hihi damang dama ko mga sinabi mo.. parang para saken haha
“Ngunit sino ang nakakaalam ng tunay at totoong pagmamahal?”
-Wala, walang nakakaalam. Mahigpit ang laban. Ganda nito.
=(
binasa ko na ito nung pinost mo dapat nga ako ang beys kaso nagiinarte ako at nagkoment nalang ako sa chat natin,
ayus ba boss dahn popong pogi?
sana mabasa na niya ang sulat mong ito upang tuluyan na niyang palayain ang kanyang sarili dahil ito ang hiwaga ng pag-ibig
be blessed
kudu
kudu
kudu
@ KIKILABOTZ – sir kiki!welcome sa lungga ko… haha. :]
@ DEE-DEE – boto mo i-patrol mo! ahaha… thanks dee.
@ JASON BUNSO – okay lang bunso… sensya na rin bihira ako makadalaw sa bahay mo. ilang weeks din kasi akong di nagba-bloh hop.
@ KULAS – wala ako masabi kulas. labyu din. hehe… :]
@ SOWS – oo nga… madami nagsabi mas okay daw yung yellow paper theme. kaso ala kasi gaanong widgets eh.
@ VAJEE – haha! lumaklak ka sa fountain of youth para di ka tumanda. o kaya magpa-implant ka ng ngipin at buhok para di ka malagasan. LOL
@ LAMBING – hello po ate! welkam po sa aking lungga. :]
@ STARFISH – welkam po dito. ako naman dadalaw sa inyo ni ate lambing. :]
@ PAPAJEX – nakow… wla nga ba papajex? nahihiwagaan ako sa post mo… napaisip ako dun sa reply mo sa comment ko sa entry mo.
@ PONG – popong poging pong! kudu malapit na pati julibi! haha. :]
nice entry. tama sila ramdam talaga ang emosyon.
letting go…mahirap… pero may dalang pag-asa.
btw, ganda ng layout. cute!
namarkahan ko na, sana ikaw ang manalo, nice post.
@ TUBI – kadalasan kasi mas nagiging maayos ang lahat kapag nag-let go. mabigat man sa luob at may kirot sa puso… pero ang pagtanggap nito ang siyang nabibigay pag-asa. thanks po ms. tubi. :]
@ ROMEO – off ko ngayon. mamaya pa lang ako magbabasa at magmamarka. ayun oh, sana… haha. pero, maraming makabagbag damdamin na entry. ayos na yun na nakapaglahad tayo ng share. diba pare? hehe… :]
siya ba ung sinasabi mo na napatawad ka na after 10 yrs? damang dama ko ung sakit.
parang nasa fb ako wahaha
@ ETCHOS – hinde eh. pero sa tingin ko napatawad na rin naman ako nung tinutukoy ko dito sa post… ang gusto ko sana maging magaan ang pakiramdam niya. wala ng negative feedbacks… sana. :]
napatawad ka na nia kung sino man sia. basta sa lahat ng ating pagkakamali matuto taung humingi ng tawad at magpatawad.
nasaan na ang kudu?
mahusay po! nagbasa at nagmarka! Wala ng mas tama pa sa pagibig na mapagparaya.
tama, may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag sa iniibig ang pagmamahal. ang tunay na nagmmahal ay hindi nanunukat…
tagos hanggang liver ang entry mo ginoong anjong…
nagkakaligaw ligaw ako.
anu pa bang masasabi ko.ganitong damdamin din ang kadalasang kulay ng pag-ibig.pagmamahal,pagpapalaya.pag-iwas,pang hihinayang.pagsisimula,pagkabigo ulit.
pero katulad ng mga tagyawat ko sa pisngi,parang phoenix lang na namamatay at nabubuhay ng paulit ulit at paulit ulit.
kailanagn ko na talaga ng dr.wong sulphur soap.hahaha!
ang galing naman ng site, namangha ako, akala ko nasa fb lang ako..
perstym po, padaan!
OUCH hehehe
Anjong, reminder lamang na hanggang Agosto 12,2010, 11:59PM na lamang pwedeng ipasa ang iyong marka.
Salamat
Two cents worth!
Family Matters »
Haliging walang Tahanan
Iniwan mo siyang luhaan. Dalawang buwan pa lamang nuon ang ika-tatlo ninyong supling. Lugmok sa kalungkutan, hindi alam kung saan huhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang natitirang pagmamahal sa sarili at tatlong anak. Tanging si …
Food & Culinary »
Ang Poki-poki ni Inday.
Madalas ko nuong marinig ang kasabihang, “Ang pinakamabisang paraan upang mapalapit ang isang babae sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanya ng masasarap na pagkain.” Sa munting sandali na ito, …
Life & Death »
it’s over now. i am letting go.
Twenty-five fils’ (1.75 php) burning in my finger tips. I am in euphoria. My mind is wandering in clouds of smoke. I had to make a tough decision… I can’t take it anymore. It is …
Music & Lyrics »
Simply Goodbye (Lyrics without a Tune)
I can sing a tune when I am in the bathroom. I have the guts to belt out my lungs when I am drunk. I have the courage to reach high notes only when I …
Overseas & Homeland »
The Azkal Experience
Pakaway-kaway sa mga OFW kahit olats! Dalawang beses sila dito binato ng bote ng mineral.
I’m not an Azkal fan but I do support their team. Everytime na nanunuod ako ng news, I don’t …
Social Issues »
Isang Sentimong Pawis
Photo by: KamoteBoy (ReynosoJulius)
Sa maliit na butas ng kisame muling sumilip ang liwanag. Ang pagningning ng sikat ng araw sa iyong mga mata, hudyat na kailangan mo ng lisanin ang kwadradong lungga. Nagmamadali kang humayo …
Recent Comments
Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng kumento Christeen. :)
kahanga at nakakahabag na kwento at panulat.
salamat sa pag comment sir sa aking entry .. para na din akong nanalo :)
Nuno. Walang mapagsidlan ang kagalakan ng musmos kapag sila'y nakatatanggap ng aginaldo. Tama, walang mapagsidlan ang tuwa. Yano ire. :)
ayus good luck sa pagdya-judge mukhang mahihirapan ka na naman sa dami ng sumali!
Online Recognitions
Follow, like and join Animus
The Animus Badge
Sinkong Duling
Copy and Paste
Bloggers.com
Random Posts
Latest Video Post