Panaghoy ng Inang Kalikasan

Ang mga tula ay pakikiisa sa pagpapalaganap ng kaalaman at kamalayan sa kalikasan. Pakikibahagi sa hangarin ng Saranggola Blog Awards 2010, DMCI Homes at Alta Vista de Boracay na ipabatid sa mga mambabasa ang kahalagahan ng ating kalikasan para sa ating kinabukasan.
I
BIYAYA AT PANGAMBA
Sariwang hangin inyong damhin
Yakap na malamig kayo’y babalutin
Sa bawat ihip ginhawa’y dala
Nawa’y hindi ito ang huli, aking pangamba.
Dalisay na tubig inyong lasapin
Uhaw at init ay papawiin
Sa bawat patak handog ay ginhawa
Nawa’y hindi ito ang huli, aking pangamba.
Matibay na lupa inyong tirikan
Tahanang magsisilbing inyong kanlungan
Sa bawat umaga at gabi ay payapa
Nawa’y hindi ito ang huli, aking pangamba.
Biyaya ng hangin, tubig at lupa
Mga isda sa karagatan at ibong malaya
Maging hayop sa bukirin kayo’y pinagpala
Nawa’y ‘di dumating ang panahon na sila’y mawala.
Puno at halaman sa kagubata’y sagana
Prutas at gulay dulot ay bitamina
May hatid na lunas sa anumang pinsala
Nawa’y di dumating ang panahon na ito’y mawala.
Lahat ng ito’y ating tinatamasa
Higit pa marahil kung tayo’y may kusa
Pagmamalasakit sa kalikasan ang tama
Bago pa mahuli ang lahat at bawiin ng Lumikha.
II
PALIGID-LIGID
Itlog ko’y dumarami sa tubig na marumi
Nagsisilbing imbakan ng kiti-kiti
Sa takdang panahon ika’y mangangati
Sakit at epidemya aming ipamamahagi
Tanggapin yaring pasasalamat ng mga munti
Sa iyong kapabayaan kami’y nawiwili
Maging aking kaibiga’y nais makibahagi
Ihing mapanghi nais niya’y sa tubig humalili
Kami ma’y iyong puksain at lipulin
Hindi mawawala aming inihabilin
Kung kapabayaan mo’y patuloy pa man din
Walang katapusan ang dulot naming lagim
Labag sa kaluoban ngunit ako’y may payo
Linisin ang estero at basura sa kanto
Upang kami’y hindi na makaperwisyo
Dahil kami’y laging handang makihalubilo
Tandaan mo isa kang taong may puso
Ako’y isang lamok at kaibiga’y dagang negro
Kami’y matagal ng namamalagi dito sa mundo
Kaya’t kapaligira’y ingatan at pangalagaan ng husto
III
BUTIL NG PAG-ASA
Sa patak ng luha nagmula
Siphayo’y naglaho, dulot ay saya
Umusbong sa matabang lupa
Sa sikat ng araw ay sumigla
Hanging amiha’y sayaw ang handa
Sa pagsipol kasabay ay tuwa
Luntiang tanawin ang ipininta
Sa isang iglap maaaring mawala
Sa buhos ng luha’y pangamba
Dalamhati’t pasakit ay sagana
Nalunod, nabaon ng di-sadya
Sa liwanag ng buwa’y humimlay na
Hanging habagat, ganti ang banta
Parusa sa pabaya at walang halaga
Kapaligira’y iginuhit sa putik at baha
Sa isang kisap-mata’y magbago kaya
Sa silangan, liwanag ay pinalaya
Ihip ng hangin sa kapaligira’y sumariwa
Punlang nabaon hangad ay pangangalaga
Sa muling pagsibol ng binhi’y bagong umaga
Basahin din ang aking entry sa Maikling Kwento (Ang Mahiwagang Hardin) at Kwentong Pambata (Isang Araw sa Buhay ni Kurimeow).
~~~~~~~~~~



[...] ng salaysay na ito ay ayon na rin sa agos ng diwa mo. Basahin din ang aking entry para sa Tula (Panaghoy ng Inang Kalikasan) at Kwentong Pambata [...]
Bakit ang daming sumali sa kategorya ng tula? Hona! Kayo na ang makata!!
tangina parekoi! kinarir mo ang sba! parang panaghoy sa tuba lang. o pwede ring panaghoy sa sumisipang pulang kabayo. lol!
all the best ser! \m/
buti na lang di ko tinapos ang tula ko hehehe
ang galing mo boss dahn popong pogi!
kayo na ang magagaling sa paggawa ng tula!
win na win!
@lio loco
panaghoy sa tuba din naisip ko hehehe
ang husay mo talaga tol dan!
buzzer beater pero winning basket pa rin talaga ang tirada mong ito!
godluck pre.bihira akong makalibot sa blog lately pero always worth kapag ikaw ang una kong nabasa.
[...] Dito nagtatapos ang araw ng Lunes nila Kurimeow at ng kanyang tropa. Marami pang araw ang sumunod at puro maganda na ang pangyayari at eksena. Sa madaling salita, nakapasa si Kurimeow sa audition. Sa ngayon kasama na siya sa grupong Kitty-kitty Girls. Well, they live happily ever after. Basahin din ang aking entry sa Maikling Kwento (Ang Mahiwagang Hardin) at Mga Tula (Panaghoy ng Inang Kalikasan). [...]
like like, gusto ko ung may dagang negro…
Binabati kita, ang iyong akda ay napili at napabilang na isa sa mga top 6 finalists ng Saranggola Blog Awards sa kategoryang tula!
Two cents worth!
Family Matters »
Haliging walang Tahanan
Iniwan mo siyang luhaan. Dalawang buwan pa lamang nuon ang ika-tatlo ninyong supling. Lugmok sa kalungkutan, hindi alam kung saan huhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang natitirang pagmamahal sa sarili at tatlong anak. Tanging si …
Food & Culinary »
Ang Poki-poki ni Inday.
Madalas ko nuong marinig ang kasabihang, “Ang pinakamabisang paraan upang mapalapit ang isang babae sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanya ng masasarap na pagkain.” Sa munting sandali na ito, …
Life & Death »
it’s over now. i am letting go.
Twenty-five fils’ (1.75 php) burning in my finger tips. I am in euphoria. My mind is wandering in clouds of smoke. I had to make a tough decision… I can’t take it anymore. It is …
Music & Lyrics »
Simply Goodbye (Lyrics without a Tune)
I can sing a tune when I am in the bathroom. I have the guts to belt out my lungs when I am drunk. I have the courage to reach high notes only when I …
Overseas & Homeland »
The Azkal Experience
Pakaway-kaway sa mga OFW kahit olats! Dalawang beses sila dito binato ng bote ng mineral.
I’m not an Azkal fan but I do support their team. Everytime na nanunuod ako ng news, I don’t …
Social Issues »
Isang Sentimong Pawis
Photo by: KamoteBoy (ReynosoJulius)
Sa maliit na butas ng kisame muling sumilip ang liwanag. Ang pagningning ng sikat ng araw sa iyong mga mata, hudyat na kailangan mo ng lisanin ang kwadradong lungga. Nagmamadali kang humayo …
Recent Comments
Animus Blog Awards: Tapos na ang kalokohan. Salamat sa lahat ng nakigulo. Congrats mga Dudongs en Dudays! :] | Patpating Talinghaga
wow! guti ka pa kuya, naranasan mong masali sa isang pakontes sa tv :) kakatuwa!
Maganda idol!
salamat master sa pagdaan sa aking entry :D nakakatuwa naman ang inyong entry, more power :D
Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng kumento Christeen. :)
Online Recognitions
Follow, like and join Animus
Sinkong Duling
The Animus Badge
Copy and Paste
Bloggers.com
Random Posts
Latest Video Post