Ako ang Blog. Ang Blog ay Ako. (Para sa Adbokasiya ni PafaJex)
Isinilang ako sa panahong tinig ko’y nagsusumiksik sa aking isipan. Mga panahong mundo ko’y umiikot lamang sa pira-pirasong papel na nagsilbing taga-pangalaga at talaan ng masalimuot kong nakaraan. Isinilang ako sa panahong ako ay mag-isa. Isinilang sa pook kung saan malayo ako sa lupang tinubuan. At ang unang uha’y kalayaang batid para sa lahat ng madaraan sa pook na akin ngayong kinalalagyan.
Tulad ng mga bagong silang, kinailangan ko rin naman ng pagkakakilanlan. Kahit na mag-isa lamang sa aking kinamulatang mundo’y nararapat lamang na ako ay may ngalan. At ang ngalang ito’y magsisilbing aking tanggulan at simbolo ng aking nilalaman Ngunit sa bawat pilas ng kalendaryo’y nagbabago rin ang hangarin kong tangan. May nais patunayan ,may nais matutunan at malaman.
Ang aking tahanan ma’y nagpabago-bago ng anyo at lugar na kinaruroonan. Maging ang aking bansag ay nag-iiba ayon sa ayos at tindig na aking nais ipabatid sa mga panauhing ligaw. Ako ay dumami at nahati sa maraming katauhan. May tahanan ding ikinubli sa karamihan. Ngunit ako ay iisa lamang, nananahan lang sa iba’t-ibang tahanan at katauhan.
Nagsimula akong mangusap sa wikang dayuhan at ngayo’y nabighani ng lubusan sa wika ng aking bayan. Mayruon na rin namang tumuligsa at nagsabing hindi ko kailangan maging matalinghaga o anu pa man. Ngunit ito ang nais kong ipangalandakan. Hindi rin naman kita hahadlangan sa paraan ng iyong pakikipagtalastasan.
Madalas akong magbago ng bihis sa ilang dahilan. Una’y upang paunlakan ang hiling ng mga kaibigan. Batid kong nais lamang nila na ako’y mapagmasdan sa kaiga-igayang postura at laman. Pangalawa’y nais ko lamang mapunan ang aking nasa at wala ng iba pang kadahilanan.
Marahil tulad ng iba, ako ay nangarap din ng kasikatan. Sabi nila’y sa dami ng puna o pintas ang basehan kung ikaw ay tunay na nabibilang. Nakamit ko na ang bilang na nais kong mapagtagumpayan. Ngunit hindi kasikatan ang aking nakamtan. Kundi ang bilang ng tunay na nakakaalam ng nilalaman ng bawat titik na aking pinapakawalan. Sapat na sa akin ang mga kaibigan, higit pa ito sa kasikatan.
Ngayon namang ang aking abang tahanan ay titulado na. Tangan nito ang tunay na ngalan ko. Kung sino ako sa tahanang ito ay hindi naman nangangahulugang ito ay kabuuan ng pagkatao ko. Ito lamang ay parte ng kung sino talaga ako. At sa mga panahong walang bagong poste ang naitatayo marahil abala o tinatamad lamang ako.
1. Sa pang-araw-araw na suliranin nakakatulong ba talaga sa iyo ang blogging? – Hindi. Minsan nakakadagdag pa nga ng problema ko. Isa pa hindi naman ako araw-araw na nagba-blog. Pero nakakatulong naman talaga ito hindi nga lang araw-araw.
2. Sayong sariling pananaw bakit kaya ang ilan walang sariling blog? – Maliban sa walang access sa internet, wala silang interes sa anumang may kinalaman sa blogging.
3. Ipaliwanag ang salitang “Freedom of Expression” – Kalayaang iparamdam, ipadama o ipahayag ang saluobin sa anumang paraan. Kasama na dito ang pag-mumura. Pero, hindi naman talaga ako nag-mumura.
4. Magbigay ng isang-daang dahilan kung bakit kailangan mong i-delete ang iyong blog. – Walang dahilan. Iniiwan ko lang ang mga blog ko pero may nakapaskil na karatula patungo sa bago kong blog.
PAHABOL LANG (kaunting paliwanag sa aking inilathala sa taas):
• Unang talata – Dahilan at kung saan nagsimula akong mag-blog.
• Ikalawang talata – Tungkol sa blog title/tagline at username. May kinalaman ito kung paano mo ipi-presenta ang iyong sarili sa mga mambabasa.
• Ikatlong talata – Ang papalit-palit ko ng blog platform at username. Kasama na ang mga secret blog at identity ko. XD
• Ika-apat na talata – Medium ng aking blog. Halo naman talaga yan. English at Tagalog.
• Ika-limang talata – Pabago-bagong anyo o theme ng aking blog. Sa aking pananaw, nasa personalidad rin ng author ang kanyang blog theme. Parang kung paano ka magdamit.
• Ika-anim na talata – Sabi dati sa akin kapag maraming comments yun ang basehan ng worth mo as a blogger. Iba’t-iba rin naman ang pananaw diyan. Pwede rin.
• Ika-pitong talata – Tungkol sa datkom at pagha-hiatus ko ng madalas.
Hindi ko na isinama ang madalas na pangangapit-bahay. Naniniwala naman kasi ako na kapag madalas ka makipag-tsimisan sa mga kapitbahay mo. Madalas din silang bibisita sa bahay mo. I mean, bloghopping. Sorry naman busy lang ako kaya di makadalaw. LOL.


Nakaaliw naman ang post mo. Kahit na hindi ka araw-araw nagba-blog, hindi mo maikakailang malaki ang bahagi nito sa buhay mo. Nakakalito nga lang ang blog mo dahil sa kakalatan.
@Mental Climax
Malaki nga ang naitulong ng blog sa akin. Nakatulong din kasi ito para mahanap ko ang mga nawawala kong pagkatao at kahit papaano ay natutugunan ang mga pagnanasa ko. LOL. Seryoso ako.
Regarding sa ayos ng blog, may kakalatan nga. Pero hindi na masyado. Di tulad nung mga nauna ko pang theme. Parang basura lang. Pero, tulad ng nabanggit ko sa post… tulad sa blog ko, nakakalito ako dahil pakalat-kalat lang din ako. :p
Salamat sa pag-bisita. Salamat din at nabigyan mo ako ng ideya sa susunod na post ko. Yung video ng Laban O Bawi. Sana matuwa ka. Hehe.
Mahusay na mahusay.
Tiyak na maligaya si Jex saan man siya naroroon ngayon.
ibang klase, parekoi. para akong nagbabasa ng tulang may sukat at tugma sa iyong lathala.
‘yung totoo? bigla kong naisip ang pitong horcrux ni voldemort habang binabasa ko ‘to. hindi kaya pito rin ang blog mo? XD
tungkol sa kasikatan, lahat naman ng blogger naghahangad niyan. ipokrito ang magsasabing hindi niya hinangad maging sikat ni minsan. parang ako lang. nung una, nagsusulat ako ng kung anu-anong shit na walang pakialam. pero may mga pagkakataong nagsusulat din pala ,ko para mapansin ng mga dumadaan.
ngunit hindi naman kelangang maging sikat para sumulat ng akdang malupet. marami na ‘kong nabasang mga blog na masarap basahin kahit kokonti ang koment. kung magkaminsan pa nga, sila talaga ‘yung masarap basahin nang paulet-ulet.
at ang dami ko namang palang sinabing kung anu-anong shit. \m/
Ang pinaka importante lang sakin tol naibato ko kung ano ang napulot ko mula sa inyo. Kwits lang..
Hindi ko na hangad pa ang maghabol sa kahit na anong karangalan.
Alam mo yan…
“bilang may parehong pananaw….”
@ LIO LOCO
Tama ka Pareng Lio.
Lumipas na ang araw na yun para sa akin, simula ng makatagpo ako ng mga kaibigan.
Haha! Seryoso ako. Nga pala, pito talaga ang blog ko. :p
@ J. KULISAP
Maligaya ako at ako’y nakakapagpaligaya. Sana naligayahan ka rin. LOL
@ Mr. GB
Tama ka ‘tol. *thumbs up
@Parang tanga na naman akong nahilo sa bahay mo. Ayos din ang sagot mo, sana daan yan para hindi ka na mag hiatus.
@ SALBEHE
Sa ngayon malamang di muna ako mag-hiatus. Lalo pa’t wala na akong trabaho.
Hehe… eto rin yung theme ko dati. Pinalitan ko lang yung background, yung header at yung “cardboard”. :p
andito na naman ang comment section na para akong nagsusulat sa yellow paper..hahaha
madalas masarap paglaruan ang mga salita sa patalinghagang paraan, ewan ko, madalas kung hangaan ang mga taong gumagamit ng ganitong istilo..kaya nga minsan nagpapakatalinghaga din ako..
Yung iba kasi kapag matanglihaga ka sa tagalog, ayaw nila. Pero kapag sa english ka naman nagpakatalinghaga, bilib na bilib sila. Ewan.
gusto ko ‘tong comment section mo kuya
ang totoo, nagsimula akong mag-blog para lang may ibang pagtataguan ng secrets, nalaman ko kasing binabasa ng mga tao sa bahay yung journal ko kaya iyun. tas ngayon na may pailan-ilan nang nagbabasa talaga ng blog ko, hinahangad ko na ang kasikatan.woo! haha
) asa naman ako.
Sobrang sang-ayon ako dun sa ika-limang talata. Isa din kasi ako sa papalit-palit ng theme. Sumasalamin ang itsura at ayos nito sa personalidad ng blogger
@ JEC
Hehe… Thanks Jec.
Mahusay ka sa graphics kaya siguradong kikilalanin ka sa galing mo. Maliban dun lahat naman tayo ay may puwang sa mundo. ^^
@waaaaa! ang ganda, bat ngaun ko lang to napuntahan ?
@ GEYLII
Hala, salamat po. Sana makasalubong kita sa ibang blog. Wala ka o kasing link na iniwan.
pambihira .. ang hiraaaap !!! haha msyadongf pang matalino . hehe
pambihira .. ang hiraaaap !!! haha msyadong pang matalino . hehe
kapag ganito ang nababasa ko lalo kong nararamdamang malalim pa ang dapat kong hukayin sa blogging weeeee. Kasarap mangapitbahay kaso ung oras lagi salat.
hello!
wala bang like button dito? basta, like ko ang artwork sa itaas at ang isinasaad sa baba nito.
taga-bundok
Two cents worth!
Family Matters »
Haliging walang Tahanan
Iniwan mo siyang luhaan. Dalawang buwan pa lamang nuon ang ika-tatlo ninyong supling. Lugmok sa kalungkutan, hindi alam kung saan huhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang natitirang pagmamahal sa sarili at tatlong anak. Tanging si …
Food & Culinary »
Ang Poki-poki ni Inday.
Madalas ko nuong marinig ang kasabihang, “Ang pinakamabisang paraan upang mapalapit ang isang babae sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanya ng masasarap na pagkain.” Sa munting sandali na ito, …
Life & Death »
it’s over now. i am letting go.
Twenty-five fils’ (1.75 php) burning in my finger tips. I am in euphoria. My mind is wandering in clouds of smoke. I had to make a tough decision… I can’t take it anymore. It is …
Music & Lyrics »
Simply Goodbye (Lyrics without a Tune)
I can sing a tune when I am in the bathroom. I have the guts to belt out my lungs when I am drunk. I have the courage to reach high notes only when I …
Overseas & Homeland »
The Azkal Experience
Pakaway-kaway sa mga OFW kahit olats! Dalawang beses sila dito binato ng bote ng mineral.
I’m not an Azkal fan but I do support their team. Everytime na nanunuod ako ng news, I don’t …
Social Issues »
Isang Sentimong Pawis
Photo by: KamoteBoy (ReynosoJulius)
Sa maliit na butas ng kisame muling sumilip ang liwanag. Ang pagningning ng sikat ng araw sa iyong mga mata, hudyat na kailangan mo ng lisanin ang kwadradong lungga. Nagmamadali kang humayo …
Recent Comments
wow! guti ka pa kuya, naranasan mong masali sa isang pakontes sa tv :) kakatuwa!
Maganda idol!
salamat master sa pagdaan sa aking entry :D nakakatuwa naman ang inyong entry, more power :D
Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng kumento Christeen. :)
kahanga at nakakahabag na kwento at panulat.
Online Recognitions
Follow, like and join Animus
Sinkong Duling
The Animus Badge
Copy and Paste
Bloggers.com
Random Posts
Latest Video Post