Haliging walang Tahanan

Iniwan mo siyang luhaan. Dalawang buwan pa lamang nuon ang ika-tatlo ninyong supling. Lugmok sa kalungkutan, hindi alam kung saan huhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang natitirang pagmamahal sa sarili at tatlong anak. Tanging si Arkanghel ang paulit-ulit na karamay niya sa ilang boteng pilit na inaangkin ang kanyang kasawian. Mag-isa na lamang siyang nagtaguyod at ang kapalara’y hinagilap sa lupang banyaga. Samantalang ang tatlong bunga ng ilang taong pinagsamahan ay naiwan sa piling ng iyong mga magulang.
Ikaw nama’y tuluyan ng nagpakalayo. Sa siyudad, duon mo natagpuan ang pagmamahal na marahil sa iyong pananaw ay sasapat sa pusong uhaw. Ilang taon din ang lumipas at biniyayaan kang muli ng dalawang anghel. Sa kanila’y nananalaytay ang dugong iyong ipinagmamalaki sa sangkatauhan. Ngunit sa ikalawang pagkakataon, ika’y muling lumisan upang hagilapin ang pagsuyong nais makamtan. Naiwang siyang luhaan. Bigkis ang sarili upang itali sa natitirang katinuan.
Nahanap mo ang iyong sarili sa yapos at halik ng iba. Siya’y nabighani sa taglay mong kisig. Marahil ito na nga ang papatid sa uhaw na nararamdam at magbibigay sa iyo ng walang hanggang kaligayan. Ngunit ang iyong nakaraa’y ikinubli sa pamilya ng iyong iniibig. Lihim na kailanma’y hindi ipapaalam maging sa nag-iisang anak na sa mundong ito’y ipinagkait ang katotohanan. Sa ikatlong pagkakataon, isa na namang luhaan ang naiwan.
Ang mga pahina ng kalendaryo’y unt- unti ng niluluma ng panahon. Sa bawat pagsibol ng umaga’y tatlong tahanang walang haligi ang nasisikatan. Ang tanging liwanang ay nagmumula sa ilaw ng tahanan na nagsisilbing gabay sa bawat yapak ng mga anghel sa dilim. Ikaw nama’y naghahagilap pa rin ng panibagong tahanang iyong aariin.
Hindi kailanman ipinagdamot sa iyo ang karapatan ng unang Ebang iyong iniwan. Mga anak sa kanya’y pinalaking walang galit o anupaman. Mga pagkakataon sa iyo’y kusang inilaan. Nasa iyong palad ang kapalarang kahahantungan. Isa sa tatlong anak mo sa kanya’y umasang minsa’y may isang amang mahahagkan. Sa bawat pasko at bagong tao’y tinig mo ang inaasahan na marinig sa kabilang dulo ng teleponong kada minuto’y binibilang ang katapusan. Mga pangakong mistulang pinaanod sa batis ng bulaan.
Isang araw ikaw ay biglang sumulpot na lamang. Mga yakap at halik sa tatlong anak ay inihagkan. Mga likidong nag-uunahan sa pagdaloy sa kanilang pisngi’y iyong namasdan maliban sa isa na animo’y estatwang walang pakiramdam. Inusisa mo siya kung bakit halos wala siyang kibot at pakialam. Tanging sagot niya’y kahit anong pilit maiyak ay walang luhang para sa iyo’y nakalaan. Manhid man o sadyang naglaho na ang saya at luhang sana ay nuon pa naramdaman.
Siya na iyong anak ay mistulang tulay sa bawat Eba at supling na iyong pinabayaan. Sa kanya’y ibinigay ng unang Eba ang lugar kung saan matatatagpuan ang ikalawa at ikatlong Eba. Sa tahanan ng ikalawang Eba’y tinanggap siya ng buong puso. Kapatawara’y hiningi sa anak ng babaeng pinalitan niya sa iyong piling. Pagsusumamo, pagkilala at pagmamahal ang namayani. Sagot niya’y hindi kasalanan ang magmahal, biyaya ng Diyos ang ikaw ay magkaruon ng anak. Sa tahanan ng ikatlong Eba’y kumatok ng sadya. Nagpakilalang anak ng kanyang kinakasama. Tulad din sa ikalawa’y pinapasok ng walang pangamba. Siya na iyong anak ay ipinakilalang pamangkin sa pamilya ng ikatlong Eba. Siya na iyong anak na ipinagkaila, tumango na lamang at wala ng imik pa.
Mahabang panahon na rin ang nagdaan. Mga pusong sugatan ay naghilom na. Sa piling ng iyong magulang ikaw ay nakikipanuluyan. Walang asawa na mahahagkan, walang anak na tatawag sa iyong pangalan. Ikaw ay isang haligi na walang tahanan.

is it true to life story?
taga-bundok
Malalim ang pinaghugutan ng akdang ito. May mga lihim na pilit ikinukubli ngunit gustong iparating ang mensahe sa bawat titik ng mga salita. Hindi ko man lubos na maintindihan ang kabuoan, ninanais ko na magiging mabuti ang lahat para sa lahat ng mga tauhang nabanggit.
taga-bundok
…parang ang daming sangkot na eb, mejo naguluhan ako… ngunit tila napakalungkot ng kwento.
taga-bundok
Kinapa na ba sa puso ang paglimot sa pilat ng nakaraan?
Uusad ang isip kung mahawan ang daan tungo sa patutunguhan.
Ikaw ay magiging haligi ng magandang tahanan dahil nasaksihan mo kung paano nagkaroon ng bahay na walang haligi.
Magandang piyesa na naman ito Bok.
taga-bundok
hello, taga-bundok! salamat sa pagdaan-daan doon sa amin…
hey, gusto ko rito ang parteng “walang luhang para sa iyo’y nakalaan.” madamdamin ito at sa aking palagay, represents the core point of the narration. ang daming hinanakit at hinagpis na nakatago sa payak na phrase na ‘yon.
sa wari ko, for whatever it’s worth, he has helped make you the writer and the artist that you are now. ang mga ganoong pasakit ay nakakadagdag bumuo sa pagkatao natin – be they rough edges or pretty curves. mahirap magpatawad pero iyon naman yata ang lagi nating inaasahan sa dulo. maging tayo man ang offended or offender…
magandang linggo sa ‘yo!
taga-bundok
Isang ilaw ang iyong ina, isa kang dakilang anak bok.. dahil naintindihan mo ang iyong ama, sana sa pagdaan ng panahon ay hindi ka na n’ya ikaila sa sinuman at sana maunawaan ng iyung ama na isa ka lamang anak na uhaw sa tunay na pagmamahal.
taga-bundok
shet! ang lalim ng pinag-hugutan; nalulunod ako. totoo ba ‘to, pre? antulis naman ng erpats mo kung ganun; nakatatlong pamilya pa siya. wala ‘kong karapatan para sabihin sa’yong pakawalan mo na ‘yang angas na kinikimkim mo para sa kaniya. ramdam ko; dumaan din ako sa puntong gusto kong kapunin ang tatay ko noon. pero humupa rin ang galit at poot sa kalaunan. circumstances do not make a person; it’s what he does during those circumstances.
taga-bundok
Two cents worth!
Family Matters »
Haliging walang Tahanan
Iniwan mo siyang luhaan. Dalawang buwan pa lamang nuon ang ika-tatlo ninyong supling. Lugmok sa kalungkutan, hindi alam kung saan huhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang natitirang pagmamahal sa sarili at tatlong anak. Tanging si …
Food & Culinary »
Ang Poki-poki ni Inday.
Madalas ko nuong marinig ang kasabihang, “Ang pinakamabisang paraan upang mapalapit ang isang babae sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanya ng masasarap na pagkain.” Sa munting sandali na ito, …
Life & Death »
it’s over now. i am letting go.
Twenty-five fils’ (1.75 php) burning in my finger tips. I am in euphoria. My mind is wandering in clouds of smoke. I had to make a tough decision… I can’t take it anymore. It is …
Music & Lyrics »
Simply Goodbye (Lyrics without a Tune)
I can sing a tune when I am in the bathroom. I have the guts to belt out my lungs when I am drunk. I have the courage to reach high notes only when I …
Overseas & Homeland »
The Azkal Experience
Pakaway-kaway sa mga OFW kahit olats! Dalawang beses sila dito binato ng bote ng mineral.
I’m not an Azkal fan but I do support their team. Everytime na nanunuod ako ng news, I don’t …
Social Issues »
Isang Sentimong Pawis
Photo by: KamoteBoy (ReynosoJulius)
Sa maliit na butas ng kisame muling sumilip ang liwanag. Ang pagningning ng sikat ng araw sa iyong mga mata, hudyat na kailangan mo ng lisanin ang kwadradong lungga. Nagmamadali kang humayo …
Recent Comments
wow! guti ka pa kuya, naranasan mong masali sa isang pakontes sa tv :) kakatuwa!
Maganda idol!
salamat master sa pagdaan sa aking entry :D nakakatuwa naman ang inyong entry, more power :D
Salamat sa pagbisita at pag-iwan ng kumento Christeen. :)
kahanga at nakakahabag na kwento at panulat.
Online Recognitions
Follow, like and join Animus
Sinkong Duling
The Animus Badge
Copy and Paste
Bloggers.com
Random Posts
Latest Video Post