The Azkal Experience

 

Pakaway-kaway sa mga OFW kahit olats! Dalawang beses sila dito binato ng bote ng mineral. :(

 

I’m not an Azkal fan but I do support their team. Everytime na nanunuod ako ng news, I don’t hate watching them pero lagi na lang kasi sila ang laman ng sports balita. Yeah I know, kasi sila ang hottest commodity kaya naman yung ibang national team and athletes eh natatabunan. Kadalasan pa mga half-Filipino ang focus of attention, paano naman yung pure-blood Noypis? Anyway, that’s just the way it is siguro.

 

Mag-alas syete na ng gabi nasa labas pa rin kami.

 

Nung napabalitang may qualifying game dito ang Azkals laban sa Al-Azraq ng Kuwait, I was not excited but I felt proud. A week before the said game, almost all were inquiring about the tickets. Prices went from 1 Kuwait Dinars (KD), 2 KD and 3 KD to 2 KD, 3 KD and 5 KD. A big question for some kasi naman the football game here is always open for public viewing. Siguro selling tickets in behalf of the Philippine Embassy would generate funds for all of the OFWs who took refuge in our embassy. In a way, it would be fine to spend if this is the case.

Nagkaruon pa ng ugong-ugong na sold out na ang ticket three days before the game. Nakakatuwang isipin kung gaano ka-excited ang karamiham to watch our football team to compete against Kuwait, the current champion in Asia. Selling t-shirts also boomed. Prices ranged from 1.500 KD to 5 KD (1 Kuwait Dinar is +/- 155 Philippine Peso). Pero ako at yung mga kasama ko sa work didn’t order from anyone instead went to a shop para magpa-print ng sarili naming shirts, at least we wear something with our names on it – mine was a little bit personalized kasi I had my website badge on the right sleeve of the shirt. :D

 

Puno ang stadium. Mukhang mas marami pa ang Pinoy kesa sa mga Kuwaiti.

 

A day before, I went to Qadsiya Sports Club to buy 6 tickets of 5 KD each. Me and my friends agreed to sit in the lower grandstand. Arriving in location, I actually got lost since the cab driver dropped me at the back of the club. I saw one kababayan and ask him the location of the ticketing booth. Sabi niya sarado pa and it will open around 5 PM, but it was already 5:15 in the afternoon. Luckily, I saw another Filipino guy talking to a Kuwaiti citizen. Nakiusap na lang ako sa guy kung pwedeng sumabay sa paglalakad papunta dun sa ticketing office. We had a little chit-chat, until I realized we were on a dead end kaya naman pumasok kami dun sa football field kaso the fences were all padlocked. Good for us kasi, I saw one gate na may lock pero naka-sukbit lang naman yung padlock.

 

Hindi ko alam kung saan nakahawak yung Azkal. LOL

 

I was about to buy the tickets ng tinawagan ako ng friend ko, he said he already have the 6 tickets. So I decided to go home. I had to walk under a 48′C weather papuntang bus station, di na ako nag-taxi. Sa bahay, tinawagan ulit ako ng friend ko confirming about the tickets pero ang hawak pala niya ay yung 2 KD tickets. We had no other choice but to sit in the bleacher.

 

Nagkakagulo na rito kasi ayaw magpapasok.

 

On the day of the game, you couldn’t imagine the crowd. Pinoy pride. Some had their faces painted on and some were waving the Phillipine flag. Sobrang haba ng pila. Seven na ng gabi marami pa rin ang nasa labas ng gate, kasama na kami dun. We had to run from one gate to another. Nagkakatulakan, nagkakagulo. Pero tawa lang ako ng tawa. Some were arguing with the police officers and most are so frustrated. Hanggang kami naman ay nagtatakbo papunta sa last gate. Well, marami ring tao dun. The gate is closed, kaso pinilit na buksan ng mga kabayan kaya hayun nagsisitalunan sila sa bakod. Well, siksiikan na kung siksikan. Hinila ko na lang yung friend ko at kinapitan ko siyang mabuti para di kami magkahiwalay. The funny thing is, dun pa rin kami sa lower grandstand nakaupo. Kung tutuusin di na nasunod yung value ng ticket kung saan ba dapat umupo, some say they didn’t even had to buy. Naaawa lang ako sa iba na hindi na talaga nakapasok.

 

Riot Police! Takot ata sila baka magkagulo kapag Azkals nanalo. Hehe.

 

The entire game di ko na babanggitin. For sure if you didn’t watch the live telecast you’ve heard or had seen the news. Two times nga palang tumilapon sa amin yung bola, dun mismo sa kinauupuan namin. Nakakalungkot lang kasi after ng second goal ng Kuwait, marami ng kabayan ang nagsitayuan at umuwi. Nag-chant tuloy ang mga Kuwaiti ng “Go Home! Go Home!” Ang kinabadtripan ko ay yung mga Shabab (kabataang Kuwaiti) na nambabato ng bote ng mineral water. Hindi naman kami ang binato pero yung mga members ng Azkal. Sad pero wala rin naman kaming magawa.

Habang pauwi, karamihan ng mga Shabab eh nang-aasar. If the Azkals won, it could have given a sense of shame sa mga bastos na Kuwaiti. I was expecting them to lose though, pero hindi naman sana bokya. Still, I am proud of them. Sayang lang medyo malabo yung ibang shots ko so I won’t be posting them here. Kung makopya ko yung photos and videos sa mga kasama ko, I’ll upload those. Go Azkals Go!

 

Photo of OFWs behind bars from Yahoo! News Philippines

Puna. Kumento. Kuro-kuro.

10 Comments to “The Azkal Experience”

  1. Ian Albert says:

    Astigin ng post! :D inaabangan ko to sau eh. Heheh. :D hirap din pala manood ng ganyan. Hahah. Same here, di masyadong fan. LOL.
    Ako din penge nung tshirt mo na may Animus badge. XD

    taga-bundok
    taga-bundok

    Enjoy pa rin kahit medyo magulo. Yung shirt, sigue pag-uwi na lang. Hehe. Yung MSI Netbook, expect it this month of August. Ikaw na bahala makipag-communicate sa pinakiusapan kong magdala dian sa Pinas. :D

  2. Moks™ says:

    Naks nanood pala, sayang lang at talo ang AzkaLS.

    taga-bundok
    taga-bundok

    Hehe… moral support lang din. hehe. Sayang nga eh, talo.

  3. Leah says:

    Nanood ako ng match via livestream. Inabangan talaga eh noh? hehe.. Alasdose ata ng gabi yun, natapos ng alasdos ng umaga. Sayang nga lang, talo sila.. Sana makabawi sila sa next match. :)

    taga-bundok
    taga-bundok

    Mukhang mahihirapan sila manalo. Wishful thinking, pero sana nga basta lumamang sila. Tatlong goals din ang hahabulin nila eh.

  4. sphere says:

    nong naglaban ang India at UAE inasar ko ng bonggang bongga yong Indiano naming kasamahan, tpos nong pinapakita na yong bahrain na kalaban nong Azkals alam ko na na matatalo ang ating pambato pag Kuwaiti na ang kanilang makakalaban dahil sadyang matitikas ang kanilang manlalaro.

    …tapos kahapon tinanong ako nong mga briton kong kasamahan kung baket daw ang panlaban ng Philippines ay hindi naman daw mga Pinoy parang wala daw pure blood tayong manlalaro.

    magartista na lng sila hehehe

    taga-bundok
    taga-bundok

    Haha! Same sentiment here. Asar talo na lang kami after ng game. Bwisit na mga Kuwaiti. At least sa Azkals, half-Pinoy naman unlike sa team ng Germany na yung ibang players nila eh wala talagang dugong German.

    For sure, showbiz ang bagsak ng iba sa kanila. :D

  5. Jay says:

    hindi din ako fan nito,pero proud ako at may mga pilipino tayong manlalaro sa mga ganitong larangan..

    sana makabawi sila sa susunod!

    taga-bundok
    taga-bundok

    Sana! At least kahit papaano eh nagkakapangalan ang Pilipinas sa ganitong mga palakasan. Dapat yung Philppine Volcanoes, mabigyan din ng exposure. Tutal naipapanalo naman nila yung mga games nila sa Rugby.

  6. Yow says:

    I stayed up late kahit may fellowship pa kami kinabukasan para sa Azkals. Nakakawili din naman manood. Parang ako din yung mga nag-walkout na Pinoy. Hahaha. After makagoal ng twice ang mga kalaban na parang ang babaho, natulog na me. Gusto ko sana tapusin kaya lang may gagawin nga ako ng super aga. Ang huhusay ng mga Kuwaiti na yan, parang nasira ang strategy at diskarte ng Azkals. Sila na! I pray sa leg 2 winnur na tayo. Hahaha

    taga-bundok
    taga-bundok

    Sinabi mo pa. Mabaho naman talaga sila. Yung mga babae amoy-keps na ilang araw ng di naghugas. LOL.

    Sana natuto sila sa huling laro nila. Sana rin manalo sila kung makakalamang sila dahil tatlong puntos na ang hahabulin nila sa koponan ng Kuwait. :D

  7. Beverly says:

    Nakakalula ‘no ang Pinoy power pati na dyan sa Kuwait? Feeling ko lang na-inspire nyo ang Azkals na makabawi…

    taga-bundok
    taga-bundok

    Sarap ng feeling na sama-sama kayong mga Pinoy para sumuporta sa Azkals. Duon sa stadium almost 3/4 ang mga OFW. Sana nga na-inspire sila. Wishing them a better fight!

  8. WP says:

    Nakakatuwa naman talaga na kahit minsan may mga ganitong pagkakaabalahan ang mga Pinoy. Marami ang nagsabi na kakain pa ng ekta-ektaryang bigas ang Azkals para magupo ang Kuwait na isa ng batikang team sa Middle East, ang mahalaga ibinigay nila ang lahat at mukha naman silang nag enjoy kahit nasaktan ang iba sa kanila :( Sana sa susunod bumawi sila :)

    Iyan din ang koment ng mga foreigner kong opismeyts about the team, puro imported daw. Well, ganun naman yata talaga at ayoko ng kuwestiyunin pa iyon LOL! Sana maging inspirasyon sila ng mga pure-blood pinoys para kagiliwan ang football. Seryoso ako? LOL!

    taga-bundok
    taga-bundok

    Naman. Sana nga maging inspirasyon sila at maiwasan yung paksyon sa iisang koponan. Nagkaruon pa ata dati ng issue diba between 1/2 Pinoy at mga pure. Anyway, marami pang dapat lamunin. LOL

  9. bino says:

    di ako fan ng azkals pero suportado ko pa rin sila. yun lang :D

  10. razznie says:

    wow!! hello dahn.. sure u can call me mommy..

Leave a Reply