The OFW Project: Salu-salo ngayong Pasko

Ilang araw na lang Pasko na naman at limang taon na rin naman ng huli akong magpasko sa Pilipinas. Ilang taon pa kaya ang bibilangin ko bago muling makapagdaos ng Pasko kasama ang pamilya? Sana sa susunod na taon matuloy na ang aking pag-uwi, walang hahadlang, walang kokontra at walang aberya.
Salu-salo sa darating na Pasko. Nakatutuwang isipin, napakasarap sa pakiramdam na kapiling ang mga mahal sa buhay, sila na dahilan kung bakit ako at ang mga kapwa ko OFW ay nakikipagsapalaran sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Mapalad sila na nabiyayan ng maagang aginaldo, sila na nakauwi at nakapiling ang pamilya. Bawat isa naman sa atin ay may kanya-kanyang dahilan kung bakit hindi makauwi at kung bakit patuloy na nagsusumikap. Kanya-kanyang adhikain ngunit may iisang hangarin at pangarap tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre, na muling masilayan ang iniwang pamilya sa bayang kinagisnan.

Si Joe Marie Ballon, tubong Iloilo, 38 taong gulang at kasalukuyang namamasukan bilang isang X-ray technician sa bansang Saudi, tulad ko’y limang taon na ring hindi nakauwi sa kanyang lugar. Ilang beses na ring nagnais umuwi ngunit mas piniling manatili ng ilang taon pa upang maipagamot ang amang may karamdaman. Bagamat siya’y nasa hustong gulang na’y hindi pa rin nag-asawa upang itaguyod ang kinabukasan ng mga kapatid at upang matugunan ang pangangailangan ng mga magulang lalo pa’t sila’y may katandaan na rin naman.

May mga kababayan tayong nakikipagsapalaran sa dayuhang bansa kahit na walang sapat na dokumento at papeles. Bitbit ang lakas ng luob upang harapin ang anumang balakid basta maiangat lamang ang estado ng iniwang mag-iina o pamilya. Si Joey Doble, natiis na hindi masilayan ang anak sa luob ng labing-isang taon. Isang taon gulang pa lamang ang anak ng siya’y magtungo sa bansang Italya. May patutunguhan din naman ang kanyang sakripisyo. Kinakaya niyang magkarauon ng iba’t-ibang hanapbuhay at pagkakakitan, tulad na lamang bilang isang cleaner at baby sitter. Sa kanyang pagbabalik, higit pa sa mamahaling singsing na kanyang handog sa misis ang katumbas na masilayan at makapiling ang asawa’t mga anak. Hindi na lamang anak ng iba ang kanyang aarugain, sa kanyang pagbabalik mga anak ay anong higpit ng yakap ang kanyang makakamit.

Sa luob ng siyam na taong bilang babysitter at caregiver sa bansang Italya ay nagampanan ni Leonie Villanueva na maitaguyod ang talong anak na babae. Simula ng pumanaw ang haligi ng tahanan labing-pitong taon na ang nakalipas ay nagawa pa rin niyang maging isang mabuting ina. Hindi man masukat kung ilang gabing nalulumbay at kung gaano na karami ang luhang pumatak mula sa pangungulila, sa kanyang pag-uwi’y higit pa rito ang saya at galak na muling makasama at mahagkan ang kanyang tatlong dalaga.
Si Kuya Joe Marie, si Mang Joey at Aling Leonie, mga dakilang OFW na walang ibang hinangad kung hindi mapabuti ang mga mahal sa buhay. Kapalit ng sakripisyo, pangungulila at pagkawalay ng ilang taon sa pamilya’y muling matatanaw ang bansang Pilipinas. May pagtitipon na magaganap, salu-salo sa hapag. Puno ng tawanan at luhang nag-uumapaw sa saya.
Sino pa kaya ang mabibiyayaan ng ganitong aginaldo ngayong darating na Pasko? Saang bayan kaya muling magkakaruon ng walang humpay na ligaya at saya? Hiling ko ngayong Pasko’y ikaw naman Kabayan ang magtamasa nito.
Ipagdiwang natin ang Pasko. Malayo man sa piling ng pamilya, halika na’t mag-inuman tayo!


Maligayang Pasko sa lahat!
Lalo na sa mga OFW na hindi nabibiyaang makauwi at makapiling ang mga mahal sa buhay sa araw ng Pasko.
Hindi natin maipagkaila na nakakalungkot ang makikipagsapalaran sa ibayong dagat, lalo na kapag dumating ang araw ng Pasko. Ang isang pinakaimportanteng araw sa taon, kung saan magkasama-sama at magkasalo ang buong pamilya. Ang araw kung saan ang magkalaban ay nagbabatian, ang nagtatampuhan ay nagsusuyuan. Nababakas sa mukha ng bawat isa ang kaligayahan, mahirap man o mayaman.
Para sa mga bayaning OFW na hindi nabibiyaang makauwi sa ganitong pagkakataon, hwag mag-alala at mawalan ng pag-asa kaibigan, darating din ang araw na ang aguinaldo na kagaya nito’y makamtan. Basta hwag lang kalimutan ang magtiwala at manalanging lagi sa Poong Maykapal.
At para maibsan ang lungkot na nararamdaman, i-text o tawagan ang mga mahal sa buhay na naiwan.
O ano, inuman na?
tnx for sharing, nalaman ko buhay buhay nila.. lamo bang ang dami ng iniyak ko sa video na yan.. hehe! touched talaga ako ng sobra..
Naiyak ako nang una kong makita yung video nito.. This touched my heart. ‘Nuff said.
Merry Christmas!
sa tuwing pinapanood ko to lagi na lang ako’ng naiiyak.hayyyyyy
Na-touched pusodin ko sa commercial na ito, syempre ramdam ko sila dahl isa din akong OFW…sabi ko nga ang galing naman, nainggit tuloy me…Ang astig talaga, pero naisip ko lang, siguro mas aastig ito kung mga kawawang OFW o mga minaltrato na gustong-gustong makauwi ang pinakitang tinulongan na pinauwi.
animus sobrang salamat ha, may-sa-anghel ka yata talaga, napabilib mo ko, biruin mo, nagkatotoo ang sinabi mo hehe
ayokong panoorin yung video ulit dahil ayaw kong mapaiyak ulit ng bongga! mahirap na.
pero teka bakit 5 yrs ka nang hindi umuuwi? ui uwi na, tama na ang pagpapayaman ng sobra!!
hope to meet you soon bro, take care!
napanood ko sa youtube ‘tong coke video na ‘to. di ko namalayan tumutulo na pala uhog ko. tagos pare! minsan din kasing naging ofw ermats ko. sana sa susunod, ikaw naman ang mapalad na mapili para pauwiin. uuwi ka ba ngayong pasko? merikrismas, pareng dahn. be safe always! \m/
Winner..
Really you amazed me in this post…
Two thumbs up bro!
ayoko ng mga ganito natulo pati sipon ko ..
inspiring and heartbreaking..
pre pwede pahiram ng tissue? hahaha
kakaiyak..
better late than never… Merry Christmas and a Happy New Year!
Two cents worth!
Family Matters »
Haliging walang Tahanan
Iniwan mo siyang luhaan. Dalawang buwan pa lamang nuon ang ika-tatlo ninyong supling. Lugmok sa kalungkutan, hindi alam kung saan huhugot ng lakas upang ipagpatuloy ang natitirang pagmamahal sa sarili at tatlong anak. Tanging si …
Food & Culinary »
Ang Poki-poki ni Inday.
Madalas ko nuong marinig ang kasabihang, “Ang pinakamabisang paraan upang mapalapit ang isang babae sa puso ng isang lalaki ay sa pamamagitan ng pagdudulot sa kanya ng masasarap na pagkain.” Sa munting sandali na ito, …
Life & Death »
it’s over now. i am letting go.
Twenty-five fils’ (1.75 php) burning in my finger tips. I am in euphoria. My mind is wandering in clouds of smoke. I had to make a tough decision… I can’t take it anymore. It is …
Music & Lyrics »
Simply Goodbye (Lyrics without a Tune)
I can sing a tune when I am in the bathroom. I have the guts to belt out my lungs when I am drunk. I have the courage to reach high notes only when I …
Overseas & Homeland »
The Azkal Experience
Pakaway-kaway sa mga OFW kahit olats! Dalawang beses sila dito binato ng bote ng mineral.
I’m not an Azkal fan but I do support their team. Everytime na nanunuod ako ng news, I don’t …
Social Issues »
Isang Sentimong Pawis
Photo by: KamoteBoy (ReynosoJulius)
Sa maliit na butas ng kisame muling sumilip ang liwanag. Ang pagningning ng sikat ng araw sa iyong mga mata, hudyat na kailangan mo ng lisanin ang kwadradong lungga. Nagmamadali kang humayo …
Recent Comments
you could go to there myspace, google ripper, 492666, aol trends scraper, rgdd, put keywords into article, :DDD,
Isa nanamang pag-mulat. Ang masaklap na realidad ng buhay. "Masarap mabuhay" gaya nga ng laging sinasabi nila. Pero masabi mo pa kaya yan kung ikaw ang nasa kalagayan nila? Baka masabi mo sa sarili mo na, "sana hindi ka na lang isinilang" kung dadanasin mo lang din ang ganuong klaseng hirap. Maraming Salamat sa post na ito, at least kahit papano masasabi kong masuwerte parin ako. Patuloy lang na magsumikap. Kamusta pareng Dan?Ingat lage. God Bless!
better late than never... Merry Christmas and a Happy New Year!
ayoko ng mga ganito natulo pati sipon ko .. inspiring and heartbreaking.. pre pwede pahiram ng tissue? hahaha kakaiyak..
maganda ang pagkatagnitagni ng mga titik :)
Online Recognitions
Follow, like and join Animus
The Animus Badge
Sinkong Duling
Copy and Paste
Bloggers.com
Random Posts
Latest Video Post